Paring Katoliko, sekyu killer

ALAM n’yo bang binan­sagang “security guard killer” ang isang pa-ring mahilig sa kapwa lalaki?

Ayon sa aking bub-wit, happy birthday muna kay Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares, Ely Buyco ng DWWW, Kisses Javier Jabson ng DZRH,  Nick Elman, Bro Rudy Ong, Bro Dado Melegrito at Edwin Palakpak ng Bantay, Ilocos Sur.

Alam n’yo bang ma­­hilig sa mga guwa­pong sekyu ang paring taga-Metro Manila na miyembro pala ng fede­racion? Ayon sa aking bubwit, nang madestino si Father sa isang malaking parokya sa Kamaynilaan, ang unang ginawa ng pari ay pina-formation ang mga sekyu sa loob ng simbahan. 

Ang mga guwapong sekyu ay pinapila sa kanan at ‘yung hindi kaguwapuhan ay pina-pila naman sa bandang kaliwa. Ipinalista ang kanilang mga pangalan at yung hindi mga guwapong sekyu ay itinawag sa kanilang security agency at pinapalitan.

Ayon pa sa aking bubwit, kapag gabi ay ipinatatawag ang mga guwapong sekyu at sila ay nag-iinuman sa kumbento.

Kapag lasing na si Father, nagsisimula na siyang manghipo ng sekyu. Pero merong paborito si Father, ‘yung pinakaguwapong sekyu ay isinasama sa kanyang kuwarto para magpamasahe. Kapag nag-init na ang katawan ni Father, siya ay nangyayakap at nanghahalik. Noong una, tumatanggi pa ang sekyu sa sexual advances ng pari pero nang pangakuan na tataasan ang kanyang suweldo at ibibili pa ng motorsiklo, bumigay na rin siya sa kagustuhan ni Father.

Pero ang malungkot na parte, dinispatsa siya ni Father nang makakita ng mas guwapo at batang sekyu na kaga-graduate lamang sa high school, at hindi na ibinigay ang pangakong motorsiklo.

Ayon sa aking bub­wit, mas nagustuhan ni Father ang batambatang sekyu at ibinili ng bagong motorsiklo, tinaasan ang suweldo at pinatira pa sa condo. Wow!

Ang paring binansagang sekyu killer, na binabansagan ding bakulaw ng kanyang mga kaaway na kapwa pari ay si Father P. as in Padre Damaso ng Maynila.

 

Show comments