Mga tindera, natakot nang dumating ang presidentiable

ALAM n’yo bang natakot ang mga tindera sa palengke nang dumating ang isang presidentiable? 
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Ding Ruedas ng DZRH, Ana Gomez ng MBC, Eugene Genove, Dennis Antenor, Miko Lara ng Dagupan City, Necie Martinez ng Pagbilao, Quezon at Dra. Nadia Macalma-Vizconde, Loida Esmillo at Lynda Bar­tolome. Congratulations sa mga bagong attorney: Atty. Corwin James Custodio, Atty. Datumama Macaindig, Atty. Markova Jacinto, Atty. Maureen del Rosario at Atty. Rosemarie Pagala ng Tau Lambda Kappa Fraternity/Sorority ng UE College of Law.

Alam n’yo bang nabulabog at natakot ang mga tindera sa palengke ng Pritil, Tondo, Manila nang dumating ang isang pulitikong kakandidato sa pagka-presidente sa 2016.
Ayon sa aking bubwit, noong March 8, dakong 10:00 a.m., biglang bumulaga ang mga armadong lalaki na naka-sibilyan sa Pritil market. Armado sila ng Armalite at kal. 45. Akala ng mga tindera ay may raid sa kanilang palengke. Yun pala ay nagparamdam lamang ang presidentiable. Gustong magpa-impress na siya ay maka-masa. Siya ay nakipagkamay sa mga tindera at namamalengke at nakipag-kodakan.
Ang pulitiko ay naka-shorts at naka-t-shirt ng asul. Habang umiikot, maraming nakipagkamay sa kanya. Ang iba ay dedma lang at ang iba ay nadismaya dahil hindi raw namigay ng pera. Ang pulitikong nagtungo sa Pritil market ay si Mr. J. as in Junior.

Show comments