‘Sex offenders’

ISTRIKTONG mino-monitor ang bawat kilos ng “sex offenders” sa Amerika! Sila yung mga sangkot sa krimeng may kinalaman sa pang-aabusong sekswal partikular sa mga menor de edad.

Kinatatakutan at iniiwasan sila sa komunidad. Markado habambuhay at nakalagay ang kanilang pangalan sa website ng US alinsunod sa ipinaiiral na Megan’s Law!

Hindi tulad ng mga lumayang parolado na may kasong pagpatay o pagnanakaw, mas mahigpit ang trato ng law enforcement agencies sa sex offenders! Kaya ang marami sa mga on-parole status sa kasong ito, matakasan lang ang kanilang krimen, pilit na nagtutungo sa Pilipinas para magtago at dito maghasik ng lagim!

Bukod kasi sa walang batas na nauukol sa sex offenders, madali lang ang pagkuha ng dual citizenship sa Pilipinas! Aminado ang Bureau of Immigration na wala silang kapabilidad na matukoy ang pagkakakilanlan          ng isang aplikante, estado sa pinanggalingang bansa, dating pamumuhay at kinasasangkutan nitong krimen!

Ito ang butas ng ating batas na kumakanlong sa mga kriminal kaya pinipili nila ang Pilipinas na gawing lungga at palaruan!

Hamon ng BITAG sa mga mambabatas,  iprayoridad ang pagpapanukala ng mga batas laban sa sex offen-ders na pumapasok sa Pilipinas upang maseguro ang kaligtasan ng mamamayan partikular ng mga kababaihan!

Sa buong detalye ng “Sex Offenders” at “Megan’s Law,” mag-log in sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com!

Show comments