DAGOK na naman sa Philippine National Police (PNP) ang madugong pambobomba sa isang restaurant sa Cagayan de Oro City noong Biyernes ng gabi. Umabot na sa walo ang namatay sa nasabing pambobomba samantalang 44 ang malubhang nasugatan. Ang mga namatay ay kinabibilangan ng mga doctor at pharmaceutical representative. Nagsisipagsaya ang mga biktima sa restaurant pagkaraang dumalo sa national convention sa isang hotel doon.
Hanggang ngayon wala pang natutukoy ang PNP sa may kagagawan ng pambobomba. Ang tanging ipinagmamalaki ay nakapagpagawa ng cartographic sketch ng mga suspects. Ayon sa PNP, base umano sa mga witness, tatlong lalaki ang labas-masok sa restaurant ng gabing iyon. Pero hanggang doon lang. Walang nakakita kung sino sa tatlong lalaki ang nagpatong umano ng bag na may bomba sa upuan. Ilang minuto makaraang ipatong ang bag ay may sumabog. Ayon sa mga pulis, improvised bomb daw ang sumabog.
Ang mahirap sa pangyayaring ito, ipinalinis ng may-ari ng restaurant ang lugar kaya walang ma-trace ang mga pulis na maaaring pagkunan ng lead. Maski pulbura ay walang makuha o maski mitsa ng sinasabing improvised bomb ay wala na. Agaran umanong pinalinis ng may-ari dahil nagkalat ang dugo.
Sabi ni PNP chief Director General Alan Purisima, maaaring maharap sa kaso ang may-ari ng restaurant. Obstruction of justice daw ang ginawang paglinis sa lugar ng blast site. Ayon pa kay Purisima, kailangang i-recontruct pa ang blast site.
Kung nahaharap sa kaso ang may-ari ng restaurant, dapat din namang singhalan at kastiguhin ni Purisima ang kanyang mga tauhan. “Natutulog sa pansitan†ang mga pulis-CDO sapagkat hinayaan ng mga ito na linisin ang blast site. Dapat agaran nilang kinordon ang lugar para walang makalapit at makagalaw niyon. Nasaan ang mga pulis na dapat ay sila ang unang reresponde at mangangalaga sa lugar?
At makukuwestiyon din ang mahinang intelligence network ng PNP kung bakit nakalusot sa pang-amoy nila ang plano ng bomber. “Natutulog ba sila sa pansitan�