Lady mayor, naka-aircon ang mamahaling bags

ALAM n’yo bang meron pang lady mayor na  mahilig din sa mamahaling bags?

Ayon sa aking bub­wit, happy birthday muna kay Commodore Prime Gopo, Gen. Leo­nardo Espina, dating Rep. Jackie Ponce Enrile, Atty. Alvin Tutaan ng PNP-CIDG, Dr. Ramil Dy ng Marinduque at DJ Emma Harot ng Love Radio 90.7FM.

Ayon sa aking bub­wit, kaibigan pala nitong lady mayor ang isa pang mayora na kalapit lamang ng kanyang bayan. Sila ay naging malapit dahil pareho silang mahilig sa mamahaling signature bags. Kung ‘yung una kong naibalitang mayora ay may pinaka-iingatang Hermes bag na worth P2 million, mas ma-tindi itong batambatang lady mayor. Kung umorder siya sa abroad ng Hermes bag ay lima. Kasi, marami pala silang magkakapatid na babae kaya kung bumili siya ay binibigyan din ang kanyang mga utol. Hindi naman pala siya maramot.

Ayon pa sa aking bub­wit, ang Hermes bag ni Lady mayor ay pang-special occassion at ang pang-araw-araw niyang bag ay Louis Vuitton. At upang hindi agad masira ang kanyang mga bag, kailangan pala ang malamig na temperature kaya naka-aircon ang mga ito sa kuwarto.

Ayon sa aking bub­wit, ang si Lady Mayor ang nagsusupply ng Hermes bag sa kaibi-gang mayora. Alin kaya ang mas mahal, mga Hermes bag o mga dia­mond? Sabagay ito talaga ang hilig ng mga kababaihan. Kung hindi alahas, mga signature bags at imported shoes tulad ni Congressswoman Imelda Marcos.
Ayon sa aking bubwit, ang lady mayor na naka-aircon ang mamaha-ling bags ay si Mayor L. as in Louis Vuitton ng Laguna.

Show comments