Justice ng Korte Suprema…nag-eskandalo sa barber shop

ALAM n’yo bang may baltik pala sa ulo ang isang ma-histrado ng Kataas-taasang Hukuman?

Ayon sa aking bubwit, nabulabog ang isang barber shop sa Quezon City nang biglang mag­­taray at magwala ang Justice ng Korte Suprema. Pinagsisigawan ni Mr. Justice ang bar­bero sa GQ Barber Shop sa Eastwood, Libis, Quezon City. Nang tinatanong ng barbero kung anong klaseng gupit ang gusto ni Justice, napansin niyang mainit ang ulo nito.

Ang sabi ni Justice sa barbero, “Anong klase kang barbero, hindi mo alam kung anong gagawin mo? Tinatamad ka yatang manggupit.”

Dahil mainit ang ulo ni Justice, hindi na ito pinansin ng barbero subalit nang medyo mapadiin ang suklay at gunting sa ulo, biglang tumayo at nagalit. Dinuru-duro ang barbero at sinabihang “Gusto mo bang ipapulis kita? Gusto mo bang ipaaresto kita. Siguro hindi mo ako kilala.”

Dahil hindi naman talaga kilala ng barbero si Mr. Justice, pumunta pa ito sa kahera at pinabuksan ang kanyang Facebook sa computer. At ang sabi ni Justice, “Ayan, ako yan para makilala mo ako.”

Ayon pa sa aking bubwit, matapos magtaray ang justice, lumabas na ito sa barber shop. Nakatawid na ito sa kalsada at malapit na sa may McDonald’s nang biglang bumalik sa barber shop. Hinarap ulit ang barbero at muling sinigawan at pinagalitan.

Ayon sa aking bubwit, ang Justice ng Supreme Court na nagwala sa isang barber shop ay si… Kung titingnan, parang hindi ito magagawa ni Sir dahil napakahinhin at tahimik. Siya ay si Justice L. as in Ladlad.

 

Show comments