Metro Manila LGUs, nagpapairal na ng adjusted working hours

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Metro Manila Council (MMC) na umiiral na ngayon ang adjusted working hours sa mga local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay San Juan City Mayor at MMC President Francis Zamora, Huwebes nang simulan ng mga NCR LGUs ang implementasyon ng 7:00AM-4:00PM na adjusted working hours, mula sa dating 8:00AM-5:00PM.

Aniya, layunin nilang maiiwas ang mahigit sa 100,000 kawani ng mga pamahalaang lungsod sa Metro Manila sa rush hour upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

“Inaasahan po natin na makakatulong po ito sa daloy ng trapiko,” ayon kay Zamora, sa panayam sa telebisyon.

Dagdag pa niya, imo-monitor nila ang bilang ng mga sasakyan at sitwasyon ng trapiko upang pag-aralan ang impact ng alternatibong work schedule.

Show comments