Retiradong sundalo, nangholdap, arestado

MANILA, Philippines — Isang retiradong sundalo ang arestado matapos umanong manghol­dap ng isang conve­nience store sa Sta. Mesa, Manila ka­makalawa.

Ang suspek na si Alberto Amador, 54, retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) at residente ng Samat St., Tondo, Manila ay nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) – Sta. Mesa Police Station 8.

Si Amador ay naaresto dakong alas-12:30 ng madaling araw sa harapan ng kanyang tahanan sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis.

Nauna rito, hinoldap umano ng suspek ang mga staff ng isang convenience store sa Teresa St. sa Sta. Mesa at saka mabilis na tumakas.

Nang rebyuhin naman ang CCTV, dito na natukoy ang pagkaka­kilanlan ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Narekober mula sa suspek ang ginamit na kulay pulang Yamaha motorcycle na may plate number na 2600XP, CZ Black pistol, dalawang magazine at iba’t ibang klase ng bala.

Ang suspek ay nahaharap na sa kasong robbery-hold up sa piskalya.

Show comments