Rider itinumba ng tandem

MANILA, Philippines — Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos na barilin ng riding-in- tandem habang nakaupo sa kanyang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng driver’s license nakilala ang biktima na si Alvin Cabrera, EDSA Extension corner Cuneta Avenue, Barangay 75, Pasay City na agad namatay sa pinangyarihan ng krimen.

Nagsasagawa naman ng back tracking sa mga CCTVs ang pulisya upang matukoy ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at armado ng baril.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas- -11:15 ng gabi sa Bulusan Street, Brgy. Salvacion, Quezon City.

Nakaupo sa kanyang motorsiklo ang biktima nang lapitan ng isa sa mga suspek at dalawang beses na barilin nang malapitan sa ulo.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Laon Laan St sa Maynila.

Rumesponde ang SOCO Team ng QCPD Forensic Unit sa pangu­nguna ni PCMS Ferdinand Baquiran at nakita ang mga tama ng biktima sa ulo.

Nakuha rin sa crime scene ang dalawang fired cartridge cases ng caliber .45, dalawang ziplock-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu, isang Suzuki Sky Drive motorcycle na may plakang 7517WV, cellphone, cash na P1,570.00 at ilang identification cards.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang tunay na motibo sa pamamaslang.

Show comments