Obrero itinumba ng 2 kapitbahay

Kinilala ang biktima na si Casas Cresencio, 40, residente ng Atis Road, San Miguel, Brgy. Potrero, Malabon City, habang pinaghahanap sina Ericson Francica, alyas Onetit at Archie Bautista, alyas Archie kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang construction worker ang binaril at napatay ng kanyang mga kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Casas Cresencio, 40, residente ng Atis Road, San Miguel, Brgy. Potrero, Malabon City, habang pinaghahanap sina Ericson Francica, alyas Onetit at Archie Bautista, alyas Archie kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nangyari ang insidente dakong alas-9:15 ng gabi sa harap ng Lasbuenas Garment sa Industrial Rd Brgy. Potrero, Malabon City.

Bago ang insidente, nakita ang biktima at mga suspek na nagtatalo na naawat naman ng kanilang mga kapitbahay.

Dito ay umalis ng bahay ang biktima subalit sinundan ng mga suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Kasunod nito ay pinagbabaril na ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City police at nakuha sa crime scene ang isang metal fragment, isang improvised 12 gauge shotgun, patalim at dalawang sealed plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance o shabu.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente habang naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspect.

Show comments