Quezon City kabilang sa ‘A List Cities’ na may programa kontra climate crisis

MANILA, Philippines — Umani ng pagkilala ang Quezon City government ng global non-profit organization CDP bilang isa sa 119 leading cities sa buong mundo na nagsisilbing trailblazer sa paglikha ng mga epektibong hakbang para maibsan ang epekto ng climate crisis.

Sa mahigit 900 lungsod na na-assess ng CDP, ang QC ay napiling isa sa ‘A List Cities’ base sa environmental data na nakarating sa CDP-ICLEI.

Ang   Quezon City ay mayroong city-wide emissions inventory at nakapagpatupad ng climate action plan. Nakumpleto rin ng QC ang climate risk at vulnerability assessment at may climate adaptation goal na ginagawa kung paano masolosyunan ang climate hazards.

Malaking bahagi rin ang ginawang papel ni QC Mayor Joy Belmonte na kanyang political commitment at leadership para makasama ang lungsod sa ‘A List Cities’ 

Noong nakaraang buwan, kinilala rin si  Mayor Belmonte bilang Champion of the Earth dahil sa kanyang Policy Leadership, ang ­unang halal na pinoy na tumanggap ng United Nations’ highest environmental honors.

Show comments