Birthday girl, ginilitan ng lover sa apartelle

Ang patalim at replica ng baril na nasamsam sa loob ng apartelle na hinihinalang sa suspect.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae nagdiriwang ng kaarawan matapos umanong gilitan ng kanyang live-in partner, kamakalawa ng gabi sa loob ng isang apartelle sa Caloocan City.

Tumanggi munang ibunyag ng pulisya ang  pagkakakilanlan sa biktima na nasa 32-taong gulang  dahil hindi pa umano alam ng  pamilya nito ang   insidente.

Batay sa imbestigasyon pumasok dakong alas-3 ng hapon ang biktima  at suspek sa  isang apartelle na nasa Bagong Silang Caloocan City, noong nakaraang Miyerkules sa mismong kaarawan ng una.

Alas-7 ng gabi nang makarinig ng komosyon ang ilang staff ng  nasabing apartelle sa kuwarto ng dalawa na nang puntahan ng staff ng apartelle ay doon natuklasan na nilaslas na ang leeg nito at sugat sa kaliwang palasinsingan.

Ayon naman kay Caloocan City Police chief PCol. Ruben La­cuesta,  sa isinagawang follow-up operations  ng mga pulis, lumalabas na live-in partner ng  biktima ang  suspek.

Tinitignan nila nga­yon na selos ang motibo sa pamamaslang.

Nakuha sa crime scene ang mga ID ng biktima, dalawang  wasak na cellphone,  kutsilyo at replica na baril.

Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang ­suspek.

Show comments