^

Metro

Kotse salpok sa truck: 4 patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kotse salpok sa truck: 4 patay!
Kinilala ni Antipolo City Police chief P/Lt. Col. Ryan Manongdo ang mga nasawing biktima na sina Juanito Magsino, 22; Kidrock John Magsino, 21; Lawrence Ivan Jose, 21; at Ireneo Balmonte, 22, na pawang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang cargo truck sa Antipolo City sa Rizal,  kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Antipolo City Police chief P/Lt. Col. Ryan Manongdo ang mga nasawing biktima na sina Juanito Magsino, 22; Kidrock John Magsino, 21; Lawrence Ivan Jose, 21; at Ireneo Balmonte, 22, na pawang nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang dri­ver ng cargo truck na si Glen Gumban, na hindi nasaktan sa pangyayari.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa tapat ng isang gasolinahan sa Marcos Highway sa Barangay Mayamot, Antipolo City.

Sakay umano ang mga biktima ng isang Honda Civic, na minamaneho ni Jua­nito, nang bigla na lang itong sumalpok sa likurang bahagi ng isang Isuzu Wingvan truck, na minamaneho naman ni Gumban.

Ani Manongdo, parehong nasa ikalawang linya ng kalsada ang dalawang sasakyan at patungo sa direksiyon ng Sta. Lucia Grand Mall nang maganap ang banggaan.

Sinasabing mabilis umano ang takbo ng kotse nang maganap ang aksidente ngunit masusi pa itong iniimbestigahan ng pulisya.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with