Quezon City naglabas ng gabay para sa Undas

MANILA, Philippines — Naglabas na ng panuntunan at regulasyon ang Quezon City LGU sa mga sementeryo sa paggunita ng Undas.

Nakasaad na suspendido ang interment operations sa mga pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Quezon City simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

Magbabalik ang operasyon nito sa Nobyembre 3.

Sa ngayon, pinapayagan na ng Pamahalaang Lungsod ang publiko na maglinis, magpinta at mag-ayos ng mga puntod at libingan hanggang alas-5:00 ng hapon ng Oktubre 30 lamang.

Mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, bukas sa publiko ang Bagbag Cemetery mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi gayundin sa Novaliches Cemetery samantalang isasara naman ang Baesa Columbarium maliban kung may schedule na cremation.

Paalala ng LGU na hindi pinapayagan ang private parking sa loob ng mga sementeryo at kolumbaryo sa mga araw na nabanggit.

Pinapayagan naman ang mga vendors at iba pang micro-enterprises na mag-operate sa labas ng sementeryo sa Undas.

Show comments