Big-time oil price hike ulit, aarangkada

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tataas nila sa P1.90 kada litro ang presyo ng gasolina, habang aabutin naman sa P1.50 ang kada litro ang itataas presyo ng diesel at P2.50 ang taas sa presyo kada litro ng kerosene.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Sobrang panlulumo na ang mararamdaman ng mga motorista ngayong magkakaroon na naman ng big-time oil price increase simula ngayong Martes.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tataas nila sa P1.90 kada litro ang presyo ng gasolina, habang aabutin naman sa P1.50 ang kada litro ang itataas presyo ng diesel at P2.50 ang taas sa presyo kada litro ng kerosene.

Ayon sa Cleanfuel, ganito rin ang oil price adjustment nila maliban sa kerosene.

Alas-6 ngayong umaga ay itataas ang presyo ng petrolyo ng naturang mga oil companies maliban sa Cleanfuel  na magsisimulang maningil ng taas presyo ng petrolyo ng alas-4:01 ng umaga ng Martes.

Sinasabing ang oil price hike ay dulot ng pagbabawas ng produksyon ng petrolyo ng Saudi, inaasahang paglakas ng ekonomiya ng US at ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ito na ang ika-limang beses na taas sa presyo ng gasoline at ika-6 na sunod na beses na taas presyo ng diesel at kerosene.

Show comments