2 most wanted nadakip

Unang nadakip ng mga tauhan ng Anonas Police Station (PS 9) ng alas-2 ng hapon sa QC Hall Compound ang isang Jasmin Lim, 60, ng Baltazar St., Grace Park, Caloocan City .
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police ang dalawang most wanted.

Unang nadakip  ng mga tauhan ng Anonas Police Station (PS 9) ng alas-2 ng hapon sa QC Hall Compound ang isang Jasmin Lim, 60, ng Baltazar St., Grace Park, Caloocan City .

Si Lim ay may naka-pending na Warrant of Arrest dahil sa kasong 10 counts ng pag­labag sa Anti-Bouncing Check Law na naipalabas ni Judge Gloria Monica Sangalang Lopez-Lao ng Metropolitan Trial Court (MeTC)-Branch 113, Quezon City.

Nahuli rin ng QC Police si Nolito Resurreccion Durana, 43, ng Brgy. Mahabang Parang, Antipolo City, Rizal na may pen­ding Warrant of Arrest dahil sa kasong Rape na inisyu ni Judge Anna Francesca Limbo ng  Regional Trial Court (RTC)-Branch 69, Binangonan Rizal.

“The QCPD is committed to ensure the safety and well-being of our community by apprehending those wanted criminals and holding them accountable for the crimes they committed,” ayon kay QCPD director Nicolas Torre.

Show comments