^

Metro

P42.7 milyong jackpot sa Lotto, paghahatian ng 2 nanalo - PCSO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang lucky winners ang maghahati sa tumata­ginting na P42.7-milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi, Hunyo 3.

Sa anunsiyo ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng dalawang lucky winners ang six-digit winning combination na 10-03-12-20-07-28 ng Lotto 6/42 na binola dakong alas-9:00 ng gabi ng Sabado.

Dahil dito, paghahatian nila ang katumbas nitong jackpot prize na P42,751,862.80.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winners ang kanilang lucky ticket sa Sto. Niño Public Market, Guagua, Pampanga at sa Langcam, San Pedro, Laguna.

Kaugnay nito, upang makubra ang kanilang ­premyo ay pinayuhan ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang mga lucky winners na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang lucky tickets at tig-dalawang balidong IDs.

Pinaalalahanan din naman ni Robles ang mga lucky winners na ang lahat ng premyo na mas mataas sa P10,000 ay isasailalim sa 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Samantala, ang lahat aniya ng premyo na hindi makukubra sa loob ng isang taon matapos ang araw ng pagbola dito ay otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with