^

Metro

5 miyembro ng ‘Laglag-barya’, kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 miyembro ng �Laglag-barya�, kalaboso
Kinilala ang mga suspek na sina Harold Royola, Ian Manalang, Pepito Villanueva Jr., Irineo Gonzales at Renan Encarnacion. Positibo silang kinilala ng mga biktima.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang limang lalaki na miyembro ng notoryus na ‘Laglag-barya Gang’ makaraang ipaaresto ng kanilang nabiktima sa loob ng isang UV Express, kamakalawa sa Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Harold Royola, Ian Manalang, Pepito Villanueva Jr., Irineo Gonzales at Renan Encarnacion. Positibo silang kinilala ng mga biktima.

Sa ulat, sumalakay ang mga suspek sa loob ng isang UV Express nang magpaabot ng ba­yad pero sadyang inilaglag ang barya. Ayon sa hindi nagpakilalang biktima, nang pulutin niya ang barya ay dito na niya naramdaman na nawawala ang kaniyang pitaka.

Dahil sa hindi tiyak kung sino ang kumuha, bumaba ng sasakyan ang biktima nang makita na may nagpapatrulyang mga pulis sa may Taft Avenue sa Ermita ay humingi ito ng tulong. Dito pinalibutan ng mga pulis ang UV Express, pinalabas ang limang suspek at pinadapa.

Nakuha mula sa mga suspek ang wallet, cellphone at cash na P1,400.

Bago sila naaresto, nakapambiktima na ang mga suspek ng mga pasahero ng isang jeep at isa pang UV Express sa Maynila.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, hepe ng Malate Police Station, umamin ang mga suspek na mi­yembro sila ng “Laglag-Barya” nang isailalim sa imbestigasyon. Iisa ang katwiran ng lima kung bakit gumagawa ng krimen, kahirapan umano ang nagtulak sa kanila.

Napag-alaman din na dati nang nakulong ang mga suspek dahil sa kasong pagnanakaw. Ang ilan may kaso ring may kinalaman sa droga at ilegal possession of firearms.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with