Grade -12 student hulog mula 6th floor ng iskul, patay

MANILA, Philippines — Patay ang isang 17-anyos na estudyan­te nang mahulog mula sa ika-6 na palapag ng isang gusali ng San Beda College sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktimang si Noel Christie Habagon Santos Jr., Grade 12 student sa nasabing paaralan.

Sa inisyal na ulat nni P/Chief Master Sergeant Mark Sherwin Forastero, dakong alas-12:05 ng tanghali nang lumagapak mula sa 6th floor ng Lady of Monserat Building, San Beda College of Alabang ang biktima.

Batay sa naging sa­laysay ng saksi na si Jasmin Aspuria Romano, canteen concessionaire sa nasabing kolehiyo na ipinarada niya ang kanilang sasakyan sa harapan ng nasabing gusali nang biglang bumagsak ang biktima.

Ini-report niya ang insidente at isa sa rumesponde ang school nurse na si Airon Joris Aman, na nagbigay ng first aid bago ito isinugod sa Asian Medical Hospital sa Alabang, Muntinlupa City subalit idineklarang patay na bandang ala-1:16 ng hapon.

Rumesponde rin ang mga tauhan ng Sucat Police Sub-station Office.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para alamin kung aksidente ba itong nahulog o sadyang tumalon. Inaalam din kung may naganap na foul play sa insidente.

 

Show comments