‘Maynilove’, bubuksan na sa Lunes

MANILA, Philippines — Bilang handog sa paparating na Valentine’s Day, bubuksan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang “Maynilove” sa Mehan Garden, sa Ermita, Maynila,  para sa pamamasyal ng magkasintahan, magkakaibigan, at magpapamilya simula bukas (Peb.6).

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang grand opening na kaniyang dadaluhan ay bubuksan sa publiko sa ganap na alas-5:30 ng hapon.

Ang proyekto ay isinagawa ng lungsod sa pamamagitan ng Bureau of Permits na pinamumunuan ni Levi Facundo at ang local economic development at investment promotions office.

Nilinaw naman ni Lacuna na ang venue ay nagbukas na nitong Pebrero 3, bago pa ang grand opening, na magtatagal hanggang Pebrero 17, 2023 , simula alas-4:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi.

Sinabi ni Facundo na ang admission ay libre at ang mga bibisita sa venue ay masisiyahan sa fine dining experience sa murang halaga

“We also have “Puppy Love” for dog lovers and play pen for their fur babies plus more surprises from our partners,” ani Facundo.

May mga booth na nagbebenta ng street foods, may live performers at Instagrammable spot.

Show comments