‘Online Market One Stop Shop,’ inilunsad sa Quezon City

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng Online Market One Stop Shop (MOS)  para sa mabilis na serbisyo ng lokal na pamahalaan hinggil sa market services sa lungsod.

Sa ilalim ng MOS, ang mga aplikante o vendors na nais kumuha ng puwesto sa mga public market, permit at magbayad ng puwesto  ay higit na mapapadali sa pamamagitan ng pag -log in sa QC E services at hanapin ang MOS page para sa transaction.

Sa pamamagitan ng MOS, hindi na kakain ng ilang araw sa pag- aaplay at pagpopro­seso ng market services, kundi aabutin lamang ng wala pang 5 minuto ay mabilis na matatapos ang transaksyon.

Sinabi pa ng alkalde na sa pamamagitan ng MOS ay mawawala ang korapsyon at mas mabilis ang serbisyo para sa publiko.

Show comments