Libreng sakay malabo na, diskuwento ipapalit

Commuters ride the EDSA carousel busway at the Nepa Q-Mart station as traffic starts to build up along EDSA in Quezon City for the morning rush on January 24, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

Dahil sa kakulangan ng pondo

MANILA, Philippines — Maaaring hindi na ituloy ng Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB) ang Libreng Sakay program sa EDSA Bus Carousel.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan ng ahensya na magbigay na lamang ng diskuwento sa pasahe.

Sa ganitong paraan aniya mas maraming pasahero ang makikinabang.

Ito umano ay dahil sa limitado lamang ang pondo ng pamahalaan.

Una nang naglaan ang Department of Bud­get and Management ng P1.28 bilyon para sa Libreng Sakay program.

Show comments