Mister na tumatawid tinumbok ng van, patay

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister matapos salpukin ng isang van habang tumatawid sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway sa Barangay San Jose, Tagaytay City kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Romeo  Crucillo Calingacion, residente ng Purok 169, Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City .

Nakakulong naman ang driver ng van na nakabundol na si Alexed Asadon Saldino, nasa hustong gulang, ng Brgy Patutong Malaki North, Tagaytay City, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Sa imbestigasyon Tagaytay City Police, dakong alas-2:15 ng madlaing araw habang ang biktima sa nasabing highway nang tumbukin ng Toyota Hi-Ace na may plakang WPE-823 na minamaneho ni Saldino.

Ayon sa nasabing driver, hindi umano niya napansin ang tumatawid na biktima dahil sa medyo may kadiliman ang nasabing lugar.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima at napuru­han sa ulo na naging dahilan ng agarang kamatayn nito.

Show comments