Suplay ng tubig, sapat hanggang 2023 - MWSS

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng tubig  sa Metro Manila at kalapit lalawigan hanggang sa susunod na taong 2023.

Ito’y ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System( MWSS) na  kahit pa nga  nagsibalikan na sa normal ang mga industriya na gumagamit ng tubig.

“I think we don’t have any concern or problem with regard to the water situation this year up to December and also up to next year,” sabi ni MWSS administrator Leonor Cleofas .

Anya bagama’t ang karamihan ng pinagkukunan ng tubig ay mula sa Angat dam, marami pa namang ibang mga sources na pinagmumulan ng tubig para isuplay sa Metro Manila at karatig lalawigan.

“This is because of our Umiray River. We have the Umiray tunnel that augments the water in Angat,” sabi ni  Cleofas.

Anya ang Umiray-Angat Transbasin Rehabilitation Project  ay dinesenyo para magbigay ng dagdag na tubig sa Angat water system.

Sa latest monitoring, ang water level ng Angat Dam ay umaabot sa  208 meters na bahagyang  mababa sa 210 meters na normal.na water level sa dam.

Ang Angat ang nagsusuplay ng  90 percent ng tubig sa Metro Manila.

“Although our target is 210 meters so we are almost there, we want to maximize [that] up to 212 meters and also as I’ve said, we have other sources like the Cardona and Putatan water treatment plants that draw water from Laguna Lake and also this one,” dagdag ni Cleofas .

Kahit pa sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan ay patuloy na naghahanap ang MWSS  ng dagdag na source ng tubig para paghandaan ang tumataas na demand sa tubig dahil sa  lumalaking populasyon sa naturang  lugar taun-taon

 

Show comments