^

Metro

Tiwaling LTO personnel, binalaan ni Tugade

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tiwaling LTO personnel, binalaan ni Tugade
Ito ay sinabi ni Tugade makaraang  mahuli  ang  isa sa mga kawani nito na umano’y nagsisilbing ‘fixer’ sa mga transaksyon sa ahensya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Binalaan ni LTO Chief Jay Art Tugade ang  mga tiwaling tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na parurusahan ang mga ito kapag nasangkot sa ilegal na gawain sa ahensiya.

Ito ay sinabi ni Tugade makaraang  mahuli  ang  isa sa mga kawani nito na umano’y nagsisilbing ‘fixer’ sa mga transaksyon sa ahensya.

“As I have said repeatedly, we will not stop until we have eliminated fixers, which is among the roots of corruption in the agency, at any of the LTO offices nationwide. Our objective is to finally get rid of them once and for all. These unscrupulous individuals have no place in an agency such as the LTO because they have given us a bad name for the longest time. Let this be a warning: their days are numbered,” pahayag ni  Tugade.

Una nang naireklamo  sa tanggapan ng LTO Region 6 ang  isang tauhan ng LTO Guimbal Extension Office sa Iloilo na umanoy  nagsisilbing ‘fixer’.

Lihim umano itong tumatanggap ng mga transaksyon ng ilang kliyente  mula sa pagre-renew ng rehistro, pagpapa-lisensya, at maging ang pagbabayad ng multa kapalit ng pera.

Gayunman, kinukuha lamang umano nito ang bayad ng mga kliyente  at hindi na itinutuloy ang pagproseso ng papel sa LTO.

Kasunod nito’y iniutos ni LTO Region 6 Director Eric Lenard Tabaldo ang isang entrapment operation na nag­resulta ng pagkakadakip sa kawani ng LTO na sinasabing nahuli sa akto na tumanggap ng P6,000 mula sa poseur-client  na magpapa-renew ng rehistro ng kanyang sasakyan.

Nahaharap na sa reklamong paglabag sa Republic Act 11032 o “Ease of Doing Business Law” sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office ang 61-taong gulang na suspek.Bukod dito, sinampahan na rin siya ng kasong administratibo at sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Guimbal Municipal Police Station.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with