Inspeksyon sa mga pampublikong gusali sa Maynila, iniutos matapos ang lindol

MANILA, Philippines — Agad na ipinag-utos ni Manila City Mayor Honey Lacuna na inspeksyunin ang lahat ng pampublikong gusali sa lungsod makaraang tumama ang isang lindol nitong Miyerkules ng hapon.

“Nagbigay na po ng directive si Mayora sa kay City Engr. (Armand) Andres to inspect all schools, housing projects, and hospitals, pati ang Manila City Hall following the earthquake that just happened,” ayon kay Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna.

Makaraan ang lindol, pansamantalang pinalabas ang mga empleyado ng city hall sa kani-kanilang tanggapan at pinapasok na lamang muli nang matiyak na wala nang aftershock na magaganap.

Pinalabas din naman ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa siyudad habang ang ibang mga pribadong paaralan at unibersidad ay nagkansela na lamang ng klase para makatiyak sa kaligtasan ng mga estudyante.

Show comments