^

Metro

Vhong Navarro, pinayagan nang magpiyansa sa halagang P1 milyon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vhong Navarro, pinayagan nang magpiyansa sa halagang P1 milyon
Actor and Tv host Vhong Navarro.
Pang-Masa / File

MANILA, Philippines — Pinayagan nang makapagpiyansa ng  Taguig City Regional Trial Court  para sa kanyang pansamantalang paglaya ang aktor at TV host na si Vhong Navarro, kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

“Wherefore, pre­mises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” saad ng kautusan.

Matatandaan na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro makaraan na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kaniya.

Unang nakulong ang aktor sa NBI Detention Center bago siya inilipat sa Taguig City Jail base sa kautusan ng korte.

Nitong Setyembre nang kasuhan ng Taguig Pro­secutor’s Office si Navarro ng umano’y panggagahasa kay Cornejo noong Enero 2014. Itinanggi naman ito ng aktor.

GRANTED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with