^

Metro

Iskedyul ng Nazareno 2023 inilabas na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Iskedyul ng Nazareno 2023 inilabas na
(January 7, 2022) Devotees surround their replica image of the Black Nazarene as they settle on listening to the online first Friday mass of the year being held at the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila as all roads leading to the church are closed to prevent crowds from gathering.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Sa halip na Traslascion, tatawagin muna na Nazareno 2023 ang gaganaping kapistahan ng Itim na Nazareno sa darating na Enero 9, 2023, ayon sa pamunuan ng simbahan ng Quiapo na naglabas na rin ng iskedyul ng mga aktibidad para sa okasyon.

Sa ginanap na orientation kahapon, sinabi ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na lahat ng elemento ng pagdiriwang ay kumpleto maliban sa ‘pahalik’ at ‘papasan’.

Sinabi ni Alex Irasga, adviser ng simbahan, ilan sa mga aktibidad ang pagpapadala ng imahe ng Nazareno sa iba’t ibang lalawigan, sektor at mga komunidad mula Disyembre 1 hanggang 15.  Mula Disyembre 27 hanggang 29 naman ang pagbabasbas sa mga replica ng Itim na Nazareno.

Ang Pahalik o tinawag na ngayong Pagpupugay at pagsasagawa ng misa ay gaganapin sa Quirino Grandstand sa Enero 7. Dito maaari pa ring lumapit sa Nazareno ang deboto pero kailangan muna na mag-alkohol bago at pagkatapos magpunas sa imahe.  Kailangan din na nakasuot ng face mask ang mga deboto.

Sa Enero 8 ng madaling araw naman gaganapin ang “Walk of Faith” kung saan magkakaroon ng sunud-sunod na misa hanggang sa Enero 9 o ang mismong Kapistahan ng Quiapo. Dito magkakaroon ng prusisyon mula sa Quirino Grandstand ngunit hindi muna kasali ang ‘andas’ ng Nazareno.

Ilalabas umano ang imahe ng Nazareno sa Jones Bridge kung saan magkakaroon ng “sungaw” sa image ng Mahal na Birhen ng Soledad at pagsapit naman sa tapat ng Sta. Cruz church ay ilalabas din ang imahe para sa “sungaw”.

NAZARENO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with