^

Metro

Vhong Navarro, nakahalo na sa ibang preso sa Taguig jail

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vhong Navarro, nakahalo na sa ibang preso sa Taguig jail
Actor and Tv host Vhong Navarro.
Pang-Masa / File

MANILA, Philippines — Nakahalo na sa iba pang persons deprived of liberty (PDLs) sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa ang TV host/comedian na si Vhong Navarro makaraang matapos nito ang quarantine period.

Sinabi ni Senior Insp. Hernand Macoy, ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR), natapos na ni Navarro ang pitong araw na quarantine na nagsimula noong Nobyembre 21.

Inilipat si Navarro sa Taguig City Jail mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility noong Nob. 21 kasunod ng inisyung commitment order ng Taguig court.

Nauna nang inihain ni Navarro ang mosyon sa Taguig Regional Trial Court Branch 69 sa isyu ng banta sa kaniyang seguridad kung siya ay ililipat sa Taguig City Jail na hiling ang patuloy na pagkapiit sa NBI detention facility subalit hindi pinagbigyan ng korte.

Nakasampa sa nasabing korte ang kasong rape na inihain ni Deniece Cornejo.

Pagdating sa Taguig City Jail, sumailalim si Navarro sa medical exam para tingnan ang kalagayan ng kanyang kalusugan.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with