^

Metro

‘Single-ticketing system’ lalarga sa 1st quarter ng 2023

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
âSingle-ticketing systemâ lalarga sa 1st quarter ng 2023
Traffic enforcers of the Metropolitan Manila Development Authority pull over motorists for violating the expanded number coding scheme along EDSA in Quezon City on August 15, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tuluyan nang maipapatupad ng Land Transportation Office (LTO)  sa unang quarter ng 2023 ang  ­‘single ticketing system’ laban sa mga pasaway na driver.

Sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade,  ang single ticketing system ay ang pagpapairal ng iisa  lamang na kahulugan ng paglabag sa batas trapiko at gagawin din ang unified penalty system laban sa mga motoristang  masasangkot sa traffic violations.

“Mamo-monitor po natin ang performance ng ating mga driver via a common demerit point system. We will make sure na ‘yung privilege to drive ay mapupunta lang sa mga karapat-dapat,” pahayag ni Tugade.

Niliwanag ni Tugade na ang single ticketing system ay hindi para maitaas ang penalty ng mga lalabag sa batas trapiko  kundi para gawing isa na lamang ang susunding penalty laban sa traffic violators.

Anya mayroong LGU na nagpapatupad ng P300 multa sa hindi pagsusuot ng helmet, pero sa iba ay P1,500  ang penalty para dito.Kaugnay nito, sInabi ni Tugade na kasama rin sa kanyang kampanya ang pagsugpo sa mga umaaligid na fixers at palalakasin ang serbisyo sa publiko.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with