^

Metro

Motor accessories store ni-raid: Chinese at helper arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Motor accessories store ni-raid: Chinese at helper arestado
Kinilala ang naaresto na si Jenifer Ong, 21, dalaga, Chinese national, sekretarya ng kumpanyang Sky–Light Motorcycle Parts and Accessories Trading Store sa loob ng isang mall sa Divisoria, Maynila.  Inaresto rin ang isang helper na si Mario Sendona, 38.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng pulisya ang mga motorcycle riders sa pagbili ng mga pekeng accessories na kalat sa merkado makaraang arestuhin sa Divisoria, Maynila ang isang Chinese national at makumpiska ang daan-libong halaga ng mga pekeng items sa kanilang tindahan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang naaresto na si Jenifer Ong, 21, dalaga, Chinese national, sekretarya ng kumpanyang Sky–Light Motorcycle Parts and Accessories Trading Store sa loob ng isang mall sa Divisoria, Maynila.  Inaresto rin ang isang helper na si Mario Sendona, 38.

Sa ulat ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), dakong alas-4:30 ng hapon nang salakayin nila ang naturang tindahan makaraan na magreklamo ang isang Wilmar Ra­mirez, 41, quality control officer ng JRP-Thailand Motorcycle Parts and Accessories Store dahil sa ibinebentang pekeng motorcycle accessories na may brand nila.

Agad na kumuha ng search warrant ang MPD-SMaRT sa Manila City Regional Trial Court Branch 45 at ipinatupad sa naturang tindahan.  Dito natuklasan ang anim na kahon ng JRP seat cover; 10 sako ng JRP seat cover; anim na kahon ng JRP handle grip; dalawang crates ng JRP key chain; at isang sako ng JRP handle bar cover.  Nagkakahalaga lahat ng mga items ng higit sa P100,000.00.

Inaresto ng mga pulis ang inabutan sa tindahan na sina Ong at Sendona at natapos ang operasyon dakong alas-7 ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) at Section 168 (Unfair competition) ng RA 8293 (Intellectual Property Rights) ang mga nadakip habang inaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng tindahan.

MOTORCYCLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with