^

Metro

NCR muling nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCR muling nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases
A long queue of passengers waiting for their ride was spotted at the MRT3 North Avenue Station in Quezon City on Monday (September 19, 2022).
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Muling nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR) mula noong Pebrero habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng tinatamaan ng impeksyon sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), panibagong 3,822 kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa para umakyat ang kabuuang kaso sa 3,951,766 mula noong Marso 2020.

Sa naturang bagong kaso, 1,692 sa mga ito ang mula sa NCR, ang pinakamataas mula noong Pebrero 2.

Itinuro ng DOH ang pagtaas ng kaso sa kawalang interes na ng mga Pilipino na magpabakuna ng booster jab dahil sa tinatawag na ‘pandemic fatigue’.

Kasama rin dito ang pagluluwag ng mga ‘protocols’ kabilang ang pagba­balik ng ‘in-person classes’, at boluntaryong pagsusuot ng face mask habang nasa labas ng bahay o ng mga establisimyento, at pagbaba na ng ‘immunity’ ng publiko na mayroon lamang ‘primary series’ o unang dalawang dosage ng bakuna.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with