^

Metro

Vhong Navarro, giit ilipat sa Taguig Jail

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Vhong Navarro, giit ilipat sa Taguig Jail
‘It’s Showtime’ host Vhong Navarro.
ABS-CBN / Released

Kampo ni Deniece, humirit sa korte

MANILA, Philippines — Hiniling ng kampo ni Deniece Cornejo sa Taguig City Regional Trial Court (RTC) na mailipat na sa Taguig City jail buhat sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI) ang actor/ TV host na si Vhong Navarro na nahaharap sa mga kasong rape at acts of lasciviousness.

Sa kanilang urgent motion na iniharap noong Miyerkules, binanggit ng mga abugado ni Cornejo na dapat lang makulong si Navarro sa Taguig City Jail dahil ang arrest warrant laban dito ay inisyu ng Taguig RTC, kasabay nang pagsasabing hindi ito dapat mabigyan ng special treatment.

Binanggit pa ng kampo ni Cornejo sa kanilang mosyon ang  Equal Protection Clause sa 1987 Constitution kung saan inihalimbawa nila ang kasong pagkaaresto sa kapwa nito actor na si Dindo Arroyo sa kasong cyber libel at napiit sa Biñan City jail, na dapat ganito ang sa kaso ni Navarro kung saan piniling sumuko sa NBI at doon siya kasalukuyang nakapiit.

Ikinatuwiran pa ng mga abugado nito na tanging ang mga naaresto ‘in act of a crime’ ang dapat lamang manatili o mapiit sa detention center ng NBI na hindi katulad sa kaso ni Navarro.

“According to the Bureau of Jail Management Rules and Procedures, an accused should be detained where the arrest warrant was issued. The accused (Navarro) will be arraigned in Taguig. Furthermore, the arrest warrant was issued in Taguig. Hence, the accused should be detained in the Taguig City Jail,” pahayag pa ng kampo nito.

Magugunitang naglabas nang magkasunod na warrant of arrest ang Taguig court laban kay Navarro kung saan nakapagpiyansa siya ng halagang P36,000 para sa acts of lasciviousness charge, habang wala namang piyansa sa kasong rape.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with