^

Metro

Agawan ng baril ng 2 parak: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Agawan ng baril ng 2 parak: 1 patay, 1 sugatan
Batay sa ulat, dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang krimen sa tahanan ni Gonzales, na noon ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis matapos na makipag-agawan ng baril sa kanyang kapwa pulis sa isang birthday party sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si PSSG Jonas Trinidad, 37, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD)-Talipapa Police Station (PS-3) at residente ng Maligaya Subdivision, Caloocan City.

Sugatan naman at naka-confine sa  Commonwealth Hospital and Medical Cen­ter ang suspek na si PMSG Amando Gonzales, 50, nakatalaga sa PS-3 at residente ng Lagro Subdivision, Barangay Greater Lagro, Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang krimen sa tahanan ni Gonzales, na noon ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nauna rito, nagtungo umano si Trinidad at iba pa nilang kaibigan sa bahay ni Gonzales upang dumalo sa birthday party nito kung saan nagkaroon ng inuman.

 Nang mag-uuwian na ang mga bisita sa hindi malamang dahilan ay biglang nagbasag ng bote si Trinidad kaya ito kinompronta ni  Gonzales.

Dito na umano nagbunot ng baril si Trinidad at kinargahan ito ng bala.

Tinangka umano ni Gonzales na awatin ito kung saan nagpambuno ang dalawa hanggang sa ilang ulit na pumutok ang baril at tinamaan si Gonzales sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad na isinugod ng kanyang misis na si Michelle sa ospital.

Lingid sa kanilang kaalaman, tinamaan din pala si Trinidad nang pumutok ang baril na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Michelle na hindi niya napansin na may tama ng bala si Trinidad.

Buhay pa aniya ito nang iwanan nila sa kanilang bahay upang isugod ang asawa sa pagamutan.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang insidente.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with