^

Metro

Quezon City-LGU tatalima sa memo ng DILG

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City-LGU tatalima sa memo ng DILG
A Quezon City DPOS officer managing traffic flow at Commonwealth Ave.
QC Public Affairs Office

Pangungumpiska ng lisensiya tigil muna

MANILA, Philippines — Tatalima ang pamahalaang lungsod ng Quezon sa inilabas na memo ng Department of Interior and Local Government na bawal ang mga local go­vernment units (LGUs) traffic enforcer na mangumpiska ng lisensiya.

Ito’y matapos na ipag-utos ni QC Mayor Joy Belmonte na tigil muna ang pagkumpiska ng drivers license ang kanilang traffic enforcers sa mga moto­ristang may paglabag sa batas trapiko.

Sa panayam, sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte ang hakbang ay bilang pagsunod ng lokal na pamahalaan sa direktiba ni DILG Secretary Benhur Abalos na nagsabing ang LTO lamang ang may karapatan na kumumpiska sa drivers license ng traffic violators sa bansa.

Ayon kay Belmonte na bagamat mayroong ordinansa ang QC (Traffic Code of 2004) na nagpapahintulot sa mga traffic enforcers na kumpiskahin ang drivers’ license ng traffic violators ay susundin nila ang utos ng DILG.

“We will definitely comply with SILG’s directive to review this ordinance and as recommended, opt for deputization by the LTO para makatulong din kami sa kanila. While our review is ongoing, we will cease all confiscation.” pahayag ni Mayor Belmonte.

Anya naatasan na ang city council na busisiin ang bagay na ito.

“The city council has been directed to act swiftly regar­ding this matter” dagdag ni Belmonte.

Magugunitang kabaligtaran ito sa lungsod ng Maynila na nagsabing tuloy ang pa­ngungumpiska nila ng lisensya dahil sa may mga panuntunan o ordinansa sila na ipinatutupad sa lungsod.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with