^

Metro

COVID-19 wave sa Metro Manila tuloy sa pagbaba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 wave sa Metro Manila tuloy sa pagbaba
Commuters wait for public transport in Manila on August 18, 2022.
Jam Sta Rosa / AFP

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pag­­baba ng COVID-19 wave sa National Capital Region (NCR) makaraang maitala sa 15.3% ang lingguhang positi­vity rate nitong Agosto 17 mula sa 17.2% noong Agosto 10.

Ang positivity rate ay ang porsyento ng tao na nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng taong sumailalim sa tests.
Naibaba na rin sa -8% ang ‘one-week growth rate’ sa rehiyon.

Naitala ang reproduction number sa 1.01.  Ang reproduction number ay ang bilang ng taong maaaring mahawa ng isang indibidwal na may sakit.

Kung mas mababa sa 1 ang reproduction number, nangangahulugan ito na bumababa na ang impeksyon sa isang lugar.

Sa kabila naman nito, tumaas ang healthcare utilization rate sa NCR sa 40% mula sa dating 36% habang ang ICU occupancy rate ay nasa 36% mula sa da­ting 33%.

Nangangahulugan ito na mas maraming pasyente ang nalalagay sa malubha o kritikal na kalagayan dahil sa impeksyon ng virus.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang Pilipinas ng 3,844,708 kabuuang kaso, kung saan nasa 36,115 ang nanatiling mga aktibo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with