Holiday ngayon sa Quezon City

Quezon City is the most populous area in the country.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na Special Non-Working Holiday ngayong Agosto 19 (Biyernes) sa lungsod.

Ito ay bilang paggunita sa ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Alinsunod na rin ito sa Republic Act No. 6741 na nagdedeklarang Special Non-Working Holiday ang August 19.

Dahil dito, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong opisina sa buong ­Quezon City.

Mananatili namang may pasok ang essential services gaya ng law enforcement, traffic ma­nagement, fire protection, health and rescue, disaster response and management.

Show comments