^

Metro

Cavitex C5-link flyover extension binuksan na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Cavitex C5-link flyover extension binuksan na
The Cavite C5 link flyover is a P1.6 billion 2.2 kilometer section of P11billion 7.7 kilometer long Cavitex C5 link expressway that provides motorists new route to avoid traffic choke in Paranaque, Las Pina's,Pasay and Taguig.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Binuksan na sa mga motorista ang bagong 1.6 kilometer segment ng Cavitex C5 Link Flyover Extension na kokonekta sa 2.2 kilometer flyover na magpapabilis sa biyahe mula Merville, Parañaque patungong C5 Road sa Taguig at vice versa.

Ayon sa anunsyo ng Toll Regulatopry Board (TRB), ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP), kasama ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at joint venture partner nito na Philippine Reclamation Area (PRA), ay binuksan ng alas-6 ng umaga nitong Sabado (Agosto 13) ang Cavitex C5 Link Flyover Extension.

Hinimok na rin ni MPTC South Pres. and General Manager Raul Ignacio na samantalahin na ang pagdaan sa Cavitex C5 Lin Flyover hanggat hindi pa pinaiiral ang bagong toll fee na inaasahang sa Setyembre ipatutupad.

Inaprubahan na ng TRB ang provisional toll na P37.00 sa Class 1 vehicles; P74.00 sa Class 2; P112,00 sa Class 3 subalit iniurong pansa­mantala upang hindi mabi­gatan ang mga motorista.

Ang Cavitex C5 Link ay magpapaikli sa oras ng biyahe mula Cavitex patungong Makati, Ta­guig, at pasay sa loob ng 30 hanggang 45 minuto.

Bukod pa dito ay ma­katutulong din ito sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA, MIA Road, Roxas Boulevard at iba pang daan sa pagkumpleto ng proyekto sa taong 2023 na makikinabang ang nasa 50,000 motorista.

FLYOVER EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with