^

Metro

Ginang, itinumba sa Malabon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sabog ang bungo ng isang 41-anyos na ginang matapos itong taniman ng bala sa ulo nang hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin sa Malabon City nitong Sabado ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Jennifer Dacoco, naninirahan sa Block 2, Lot 16, MVP Hernandez St. Brgy. Catmon ng lungsod.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nag-iisang salarin na mabilis na nagtatakbo palabas ng iskinita matapos na barilin ng malapitan ang ginang.

Ayon sa report nakaupo sa gilid ng iskinita sa Flovi Homes, Phase 3, Letre, Brgy. Tonsuya ang biktima dakong alas-8:30 ng umaga nang lapitan ng salarin.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas ay bigla na lamang pinaputukan sa ulo ng suspect ang ginang na duguang bumulagta sa insidente.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na dumayo lamang sa naturang Barangay ang biktima na tila may hinihintay nang biglang lapitan at paputukan ng malapitan sa ulo ng salarin.

Sinabi ni P/Staff Sgt. Rio Norcio na kaagad nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng Malabon City Police Sub-Station 5 upang magsagawa ng follow-up operation subali’t nabigo silang mahanap at madakip ang salarin.

Naghihinala naman ang mga awtoridad na posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang nangyaring pagpatay sa biktima matapos makuha dito ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hindi pa batid na rami ng hinihinalang shabu.

Samantalang narekober din sa crime scene ang isang basyo at isang depormadong bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with