556 na mga bata, buntis sa Navotas, malnourished

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng Navotas City LGU na nasa 556 sanggol hanggang apat na taon at mga buntis ang  malnou­rished  o nutrionally at-risk.

Dahil dito agad na inatasan ni Navotas City ­Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng mga gamot, bitamina at pagkain na kakailanganin ng mga ito.

Aniya malaking tulong ang regular na supply ng vitamins at masustansiyang pagkain tulad ng gulay upang masugpo ang malnutirion.

Sinabi ni Tiangco na  imomonitor ang kaso ng mga ito at ibibigay ang kanilang  pangangailangan.

Bahagi ito ng kanyag first 1,000 days program na naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina at ng kanyang sanggol mula pagbubuntis hanggang ikalawang taong gulang.

Sa katunayan pinamomonitor din nito sa mga barangay officials ang mga residente na malnourish upang agad na maayudahan.

Tiniyak ni Tiangco na tututukan niya ang isyu upang masiguro na ginagawa ng kanyang mga tauhan ang kanilang trabaho.

 

Show comments