^

Metro

PNP nakipagpulong sa MMDA, Manila LGU sa re-routing

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Marcos inauguration Nakipagpulong na si  Phi­lippine National Police (PNP) Director for Operations PMGen. Valeriano T. De Leon sa  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Manila City Hall para sa traffic rerouting  sa paligid ng National Museum bilang bahagi ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Alinsunod sa napag-­usapan, ipatutupad ang re-routing simula sa Linggo, Hunyo 26 alas-12:01 ng madaling araw.

Ayon kay De Leon, busy streets ang mga kalsada malapit sa National Museum kaya’t kinakailangan pinakamaayos na re-routing ng mga motorista at commuters.

Hinihingi rin ni De Leon ng pang unawa sa publiko dahil na rin sa malaking bahagi ito ng  kasaysayan ng bansa.

Magpapaskil sila ng re-routing plan upang magkaroon ng sapat na oras at adjustment ang mga motorista sa kanilang biyahe.

Miyerkules nang pa­ngunahan ni PNP OIC  Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang inspeksiyon sa paligid  ng National Museum  at matiyak na handang handa na ang lahat

Nasa 7,000 pulis ang nakadeploy o nakakalat sa paligid upang masiguro na maidaraos ang inagurasyon ng ika-17 Pangulo ng bansa  ng tahimik at maayos.

Umaapela rin sila sa mga. magpoprotesta na isagawa ang kanilang programa ng tahimik upang maiwasan ang girian sa pagitan ng mga pulis.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with