3 arestado sa marijuana

Nakilala ang mga nadakip na sina Reymond Desano, Christian Paul Letigio at Frederick Parlan, samantalang nakatakas naman si Alec Lorenzo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Himas rehas nga­yon ang tatlong lalaki matapos makumpiskahan ng dalawang bricks ng marijuana sa ikinasang operasyon ng Quezon City Police District sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga nadakip na sina Reymond Desano, Christian Paul Letigio at Frederick Parlan, samantalang nakatakas naman si Alec Lorenzo.

Ayon sa QC Police Station 11 – Station Drug Enforcement Unit, nakumpiska sa tatlo ang dalawang bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng P182,000 at dalawang sachet na naglalaman din ng marijuana na may halagang P2,880.Kinum­piska rin ng pulis­ya ang isang scooter na ginagamit ng mga suspek sa pagdedeliber ng droga.

Show comments