^

Metro

Walang bagong COVID-19 surge - health expert

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walang bagong COVID-19 surge - health expert
Last-minute shoppers flock to Divisoria in Manila yesterday (December 30, 2021) ahead of the New Year celebration.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng isang health professional na wala pang nagaganap na panibagong COVID-19 surge sa bansa sa kabila nang pagtaas ng bagong kaso nito ng 9% nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Dr. Aileen Espina, committee member ng Health Care Professionals Alliance COVID-19, walang dapat ikabahala sa pagtataas ng kaso ng COVID-19 dahil walang nakikitang “sudden surge” may 14 na araw matapos ang Halalan 2022 nitong Mayo 9.

Pero mas nakababahala umano ay ang pagbaba ng testing rate sa bansa kahit na available na sa mga botika ang mga rapid test kits.

Ayon naman sa OCTA Research Group, pinakamalalang senaryo na maaa­ring mangyari sa ngayon ay ang tinatawag nilang “weak surge” makaraang tumaas ang reproduction number sa Metro Manila sa 1.05.

Sa kabila ng pag-angat sa higit 1 ang reproduction number, hindi naman umano magiging dahilan ito ngayon sa pagkakaroon ng panibagong surge dahil sa mas mahusay na “health system” ng bansa at pagpapabakuna ng marami nang Pilipino, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

“Overall, NCR remained at low-risk. Over the next few weeks, the best-case scenario is status quo, while the worst-case scenario, based on current data, is a weak surge in COVID-19 cases,” saad ni David.

Nananatiling mababa naman ang ibang mga numero tulad ng ‘average daily attack rate (ADAR)’ na nasa 0.52 nitong Mayo 23 habang ang arawang ‘positivity rate’ ay nasa 1.2% ng average na 11,319 testing kada araw at ang ‘hospital care utilization’ naman ay nasa 21%.

Nitong Lunes, inilabas ng Department of Health (DOH) ang datos na tumaas ng 9.9% ang average na daily CO­VID-19 cases sa bansa mula Mayo 16-22.  Nakapagtala ang ahensya ng 1,214 bagong kaso sa naturang linggo.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with