^

Metro

Nasunugan sa Baseco, inayudahan ni Yorme, Servo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan nina  Manila Mayor Isko Moreno   at Vice Mayor-elect Yul Servo ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga pamilyang nasunugan sa Baseco Compound, Maynila.

Sinabi ni Social welfare chief Re Fugoso nitong Sabado na nasa kabuuang 277 pamilya ang tumanggap ng tig-P10,000 mula kay Domagoso.

Tiniyak naman ni Domagoso sa mga biktima ng sunog na hindi sila pababayaan ng lokal na pamahalaan.

Anang alkalde, ang natu­rang halaga ay maliit na tulong na pamahalaang lungsod upang makapagsimula silang muli.

“Para sa mga kababayan kong nasunugan, pumanatag po kayo dahil may gobyerno po kayong masasandalan at kakalinga sa inyo. Hinding-hindi ko kayo pababayaan,” aniya pa.

Ang naturang sunog ay sinasabing nagsimula sa isang dalawang palapag na residential house na pagmamay-ari umano ng isang Juliet ­Mo­ngado dakong alas-7:40 ng gabi noong Huwebes.

Umabot ito ng ikaapat na alarma bago tuluyang naapula dakong alas-12:02 ng mada­ling araw ng Biyernes.

Nahirapan umano ang mga pamatay-sunog na apulain ang apoy dahil na rin sa makikitid ang mga eskinita sa lugar.

Wala namang iniulat na nasugatan o namatay sa naturang sunog na tumupok sa may P1 milyong halaga ng mga ari-arian at nakaapekto sa daan-daang pamilya sa lungsod.

ISKO MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with