^

Metro

Riot sumiklab sa Quezon City Jail

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Riot sumiklab sa Quezon City Jail
Sumiklab ang riot sa Quezon City jail kahapon kung saan ilang mga bilanggo ang iniulat na nasugatan sa naganap na kaguluhan.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isang bilanggo ang nasugatan nang sumiklab ang riot sa Quezon City Jail male dormitory kahapon ng hapon.

Ayon kay JSupt. Michelle Bonto, warden ng QC Jail, wala pang confirmation kung saang pangkat ng mga gang nagsimula ang gulo.

Hindi pa rin nila matukoy ang pangalan ng sugatang preso dahil nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kanilang pamunuan sa naganap na insidente.

Aniya, humingi na rin siya ng tulong sa SWAT team ng QCPD para mapahupa ang naganap na kaguluhan sa loob ng naturang bilangguan.

Sinasabing nagsi­mula ang riot bandang alas-3:20 ng hapon kahapon at makalipas ang mahigit 5 minuto ay humupa na rin ang kaguluhan  sa kulu­ngan matapos ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad doon.

QUEZON CITY JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with