^

Metro

COVID-19 cases sa NCR, tumaas - OCTA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 cases sa NCR, tumaas - OCTA
Individuals stay outside the Department of Foreign Affairs (DFA) Aseana office in Parañaque City as they wait for the agency to open for their passport application on Tuesday morning, Oct. 12, 2021. Some OFW applicants started waiting in line past midnight, hoping to immediately process the correction on errors in their passports before leaving the country for their respective jobs.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang OCTA Research Group ng 7 porsyentong pagtaas sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang mga nakalipas na paalala na maaaring magkaroon ng panibagong surge sa bansa na idudulot ng mga sub-variants ng Omicron.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nakapagtala ng ­average na 85 na kaso nitong nakalipas na linggo na mas mataas sa 79 average ng sinundang linggo.

“The NCR had a one week growth rate of 7% as the 7-day average in new Covid-19 cases increased from 79 (as of April 17 to 23) to 85 (as of April 24 to 30),” tweet pa ni David.

Samantala, ang reproduction number sa NCR ay tumaas din sa 0.79 mula sa dating 0.66 sa kahalintulad na panahon.

Ang healthcare utilization para sa CO­VID-19 naman ay nananatili aniyang nasa very low sa 21% habang ang intensive care unit utilization ay nasa 19% naman.

“The positivity rate in the NCR remained at 1.4% over an average of 11,544 tests per day,” dagdag niya.

Paglilinaw naman ni David, nananatili pa ring nasa low risk sa COVID-19 ang NCR hanggang noong Abril 30, 2022.

COVID-19

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with