Kahit ‘di bakunadong mag-aaral tanggapin sa lahat ng paaralan

Ginawa ng da­ting mambabatas, na nagba­balik-Senado, ang kanyang panawagan makaraang ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang maagang pagpapatala para sa Akademikong Taon 2022-2023 na nag-um­pisa noong Marso 25, at matatapos sa Abril 30.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na hindi dapat itaboy ng mga pampublikong paaralan ang mga estudyante na ‘di bakunado sa gitna ng paghahanda ng sistemang pang-edukasyon ng bansa para sa face-to-face classes.

Ginawa ng da­ting mambabatas, na nagba­balik-Senado, ang kanyang panawagan makaraang ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang maagang pagpapatala para sa Akademikong Taon 2022-2023 na nag-um­pisa noong Marso 25, at matatapos sa Abril 30.

“May mga ulat na hinihingan ng ilang paaralan ang mga estudyante ng proof of vaccination bago sila mailista sa in-person schooling. Bawal ito dahil we cannot hinder access to education on any condition because this is a fundamental human right,” ani Escudero.

Sinabi ni Escudero na nakasaad sa Saligang Batas ang pag-aatas sa Estado na protektahan at isulong ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas at nakamandato rito ang paggawa ng pamahalaan ng mga kinakailangang hakbang upang ang edukasyon ay maging para sa lahat.

“Bakunado man sila o hindi, karapatan nilang makapag-aral, sa public man o sa pribado, no ifs or buts. Ang kanilang karapatan para sa quality education ay unconditional at hindi maitatanggi at hindi ito mababago ng COVID-19,” ani Escudero.

Show comments