Naseserbisyuhang pasahero ng MRT, umaabot sa 300K kada araw

Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning, March 28, 2022. The MRT-3 offers free rides to commuters for a month, from March 28 to April 30, following the completion of the rehabilitation project of the train system and as part of the government's effort to help ease the commuters' financial burden.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Muling na namang tumaas ang bilang ng mga pasaherong naseserbisyuhan ng Metro Rail Transit (MRT) na umabot sa mahigit 300K noong araw ng Biyernes.

Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong Hunyo 1, 2020.

Anang MRT-3, ito ay resulta ng pagpapatupad ng libreng sakay at sa pagpapatakbo ng 18 na 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.

Ang 4-car CKD train set and Dalian train set ay tumatakbo tuwing umaga  mula alas- 7 hanggang 9 at sa afternoon peak hours mula alas- 5 hanggang 7.

Nasa 18-21 naman ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line.

Pinataas din anila ang passenger capacity ng bawat tren na kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at mayroong 394 na pasahero kada train car.

Matatandaan na nasa 250,000 hanggang 300,000 mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw bago magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Sinimulan namang patakbuhin sa bilis na 60kph ang mga tren ng linya noong Disyembre 7, 2020 at nabawasan din ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5-9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 3.5-4 minuto.

Aarangkada ang libreng sakay para sa mga pasahero hanggang Abril 30, 2022.

Show comments