Kalye sa Malabon nagmistulang ‘war zone’: Riot ng 2 grupo ng kabataan, nagpaulan ng molotov

Malabon City recorded a population of 365,525 in 2015.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nagmistulang ‘war zone’ ang isang kalye sa Malabon City nang magbatuhan ng  molotov bomb ng dalawang grupo ng kabataan na nagkahamunan sa group chat at nauwi sa riot.

Kitang kita sa CCTV camera ng Barangay Longos noong Linggo ng madaling araw na isang kabataan ang may hawak sa magkabilang kamay ng bote ng molotov.

Hinagis nito ang hawak na molotov at mabilis na tumakbo papalayo hanggang sa lumabas naman ang kabilang grupo na mayroon ding dalang molotov.

Dito na nagpalitan ng motolov bomb ang dalawang  grupo kung saan nakita rin ang isang lalaki na may hawak pa ng patalim.

Bunsod nito agad na rumesponde ang  mga barangay tanod na isa dito ay muntik nang tamaan ng ibinatong ‘bomba’

Ayon sa pulisya, lagi naman silang nagpapatrolya sa lugar pero tumitiyempo raw ang mga kabataan kapag walang nagbabantay.

Plano ng  kapulisan na postehan ang lugar kung saan nangyari ang kaguluhan.

Sa follow operation ng pulisya  dalawang kabataan ang inimbitahan sa barangay hall ng Longos pero itinanggi nilang kasali sila sa riot.

Show comments