Higit 600K manggagawa balik-opisina na

File photo dated March 17, 2020 shows commuters scrambling for a ride in Commonwealth market after the government suspended public transportation following the announcement of enhanced community quarantine.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mahigit sa 600,000 manggagawa sa National Capital Region (NCR) at sa 38 pang lugar na inilagay sa Alert Level 1 ang balik-trabaho na sa kani-kanilang mga opisina makaraan ang ‘work-from-home set-up’ at ‘skeletal workforce’ na ipinatupad ng mga kompanya.

Inaasahan pa ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tataas pa ang bilang sa mga susunod na araw sa pagbabago ng polisiya ng iba pang mga kompanya.

“As of Monday, may nakabalik nang, hindi naman exact ito, more than 600,000 ang nakabalik na. We expect na marami pang babalik kasi full operation na,” ayon sa kalihim.

Sa ilalim ng Alert Level 1, lahat ng establisimento ay maaari nang magkaroon ng ‘full-seating capacity’ habang ang mga negosyo ay puwede nang ‘full on-site’ basta sumusunod pa rin sa ‘minimum public health standards’.

Nilinaw ni Bello na sa pagbabalik sa trabaho sa opisina, kailangan pa rin ng mga hindi pa nakakakumpleto ng bakuna na magpresenta ng RT-PCR test result kada dalawang linggo.

“Yun ang desisyon namin sa IATF. Kung hindi ka bakunado, puwede ka pumasok kaya nga lang for the protection naman ng mga co-workers mo and especially of the workplace, magpa-swab ka para natitiyak na pagpasok mo negative ka,” giit ni Bello.

Show comments